Neil Arce, nagsalita na patungkol sa isyung hiwalay na sila ni Angel Locsin

Binasag na ni Neil Arce ang pananahimik hinggil sa isyung hiwalay na sila ng aktres na si Angel Locsin.
Neil Arce and Angel Locsin / Photo credit to the owner

Sa recent vlog ni Ogie Diaz, ibinahagi nito ang mensahe ni Neil ukol sa fake news na kumakalat sa pagsasama nila ni Angel.

Me and my wife are charitable people. Donation na po namin sa fake News peddlers yang kikitain nila sa pagpakalat ng fake News,” sabi ni Neil.

Besides deserve naman ng followers and subscribers nila makarinig ng kasinungalingan,” dagdag pa nito. 

Kamakailan ay hindi mawala-wala ang espekulasyon ng mga netizens na may pinagdadaanan ang relasyon nina Neil at Angel dahil matagal na raw walang update ang mga ito sa kanilang social media account.

Mas lalo pang tumindi ang suspetsa ng mga netizens dahil marami ang naghanap kay Angel sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Paeng sa bansa noong Oktubre.

Kilala ang aktres na unang nagbibigay at naghahatid ng tulong sa mga biktima.

Sa isang panayam, sinabi ni Dimples Romana na isa sa malalapit na kaibigan ni Angel na deserved naman ng kaibigan ang kaniyang pananahimik o hiatus sa social media.

Ayon pa sa aktres, nakakausap niya naman ang kaibigang si Angel at mister na si Neil, at maayos naman daw ang relasyon ng dalawa.

Dagdag naman ni Ogie, mas pinili na muna ni Angel ang manahimik sa social media at magpokus sa kaniyang pamilya, lalo’t inaalagaan din nito ang amang si Angel Colmenares na 94 taong gulang na.


***

Post a Comment

0 Comments