Ang mga Pilipino ay may makulay na kultura at tradisyon na sinusunod ng ating mga ninuno at itinuturo maging sa mga susunod na henerasyon. Isa na riyan ay ang pagkakaroon ng maraming pamahiin sa kasal. Heto ang ilang mga pamahiin na sinusunod ng mga Pilipino:
Photo credit to the owner
- Bawal ikasal ang magkapatid sa iisang taon lamang – Tinatawag itong “sukob” o kaya ay nagdadala ng malas sa pagsasama ng mag-aasawa. Imbes na mapunta sa isa ang swerte, mahahati raw ito sa magkapatid. Sa kabilang banda, tama rin naman na hindi magkasabay sa isang taon ang magkapatid lalo na kung parehong lalaki dahil ang laking gastos nun.
- Hindi magandang magsuot ng alahas na gawa sa perlas ang bride – Ito ay dahil ang perlas ay sinasabing nagsisimbolo ng luha kaya magiging malungkot at mapait ang buhay may-asawa ng babae. Dahil dito, piliin na lang na gumamit ng gold or silver. Mas madali pang makabili sa murang halaga.
- Bawal isukat ang wedding gown ng babae bago ang kasal – Nagdadala umano ito ng malas at hindi natutuloy ang kasal. Sa tingin ko, mas hindi maganda kapag tumaba ka at sumikip ang gown. Kaya dapat simulan nang magdiet habang papalapit ang kasal. Iwasan muna magextra rice, iha.
- Huwag munang magbyahe bago ang kasal – Sinasabing ang mga ikakasal ay mas malapit sa disgrasya kaya pinapayuhang manatili lang sa bahay. Kaya huwag munang ituloy ang mga travel goals niyo. Iwas gastos at makakapagbeauty rest ka pa.
- Huwag munang magbyahe bago ang kasal – Sinasabing ang mga ikakasal ay mas malapit sa disgrasya kaya pinapayuhang manatili lang sa bahay. Kaya huwag munang ituloy ang mga travel goals niyo. Iwas gastos at makakapagbeauty rest ka pa.
- Malas kapag nakabasag o kaya ay nahulog ang singsing sa kasal – Kapag nangyari ito, masisira umano ang iyong gagawing pamilya at mauuwi kayo sa pagiging broken family. Hindi naman talaga maganda kapag nakabasag ka, makakabayad ka ng malaki lalo na at hindi mo pag-aari ang bagay na nabasag mo. Kapag nahulog naman ang singsing, napaghahalataang kinakabahan ka at nanginginig ang kamay mo. Just relax!
- Kapag naunang namatay ang kandila na malapit sa asawa, mauuna siyang mamatay at vice versa – Malay mo naman ay mahangin lang nung panahong yun o may bagyong paparating.
- Bawal magkita at magpalitrato na magkasama bago ang araw ng kasal – Dahil raw ito na makikita na nila ang kanilang kapalaran kapag nagkita sila. Kaya hindi muna pwede magselfie ang magkasintahan bago ang araw ng kasal. Sa susunod na magpost ng picture okay.
- Swerte kapag inulan ang kasal – Sinasabing ang ulan ay nagdadala ng kasaganaan at nagkakaroon ang mag-asawa ng maraming anak. Okay lang ang kasaganaan sa buhay, ngunit ang maraming anak, huwag na siguro. May panukala na hanggang tatlong anak na lang ang pwede sa Pilipinas kaya sumunod naman tayo sa batas.
- Ang bridesmaid na makakasalo ng bulaklak ang susunod na ikakasal – Naipapasa umano ang swerte ng bagong kasal sa pagsalo ng bulaklak. May kasabihan ika nga na “always a bridesmaid, never a bride”. Kaya kung ikaw ay palaging bridesmaid, unahan mo ang iba sa pagsalo ng bulaklak. Malay mo, makita mo na ang kaforever mo.
- Ang bagong kasal ang unang maghahati ng cake at kakain nito – Nagsisimbolo ito ng matamis at masayang pagsasama ng bagong kasal. At syempre, unfair naman yata kung mauuna ang mga guest sa pagkain ng cake. Baka ang ending, maubusan ang bagong kasal at hindi man lang nila natikman ang inihandang cake para sa kasal nila.
Ang mga tradisyong ito ay nagmula pa noong unang panahon. Sa makabagong panahon, iilan na lamang ang sumusunod rito. Sabi ng iba, wala naman daw mawawala kung susundin ito. Ngunit mayroon ding mga sumusunod sa sinasabi ng Bibliya na hindi dapat ilagay ang tiwala sa swerte at malas at sa kahit anong bagay na kaakibat ng masamang espiritu. Nasa iyo pa rin ang desisyon kung susundin mo ang mga pamahiin sa kasal. Kahit ano pa man, isa lamang ang sigurado: Ang magandang pagsasama ay nagsisimula kapag binigyang importansya niyo ang Diyos sa inyong relasyon at sinusunod ang mga advices na nakapaloob sa kanyang salita. Kailangan din ang bukas na komunikasyon at pagkakaunawaan upang malutas agad ang mga problemang kakaharapin niyo bilang mag-asawa.
***
Source: Flordeliza Torres
0 Comments