Munting liham ng 8-anyos na bata sa kanyang ina, pumukaw sa damdamin ng mga netizens

Isang munting sulat ng 8-anyos na bata sa kanyang ina ang kinaantigan ng mga netizens sa social media.

Sa Facebook, ibinahagi ni Sheila ang larawan ng sulat ng kanyang anak kung saan gusto na siyang mag-resign sa trabaho.
Photo credit: Sheila

"Ma pag nag resayn ka na bibigyan kita ng 50," saad ng anak. 

Ayon kay Shiela, napaiyak na lamang daw siya nang makita niya ang sulat ng kanyang anak.

"Sa Laguna po ako nagwowork [bilang] production operator sa isang company. Once a week lang po ako umuuwi kase Laguna pa po work, tapos taga isla pa kami dito sa Rizal nagbabangka pa kaya kulang na kulang ang oras. Nagigising daw po siya na wala na ako kaya namimiss nya daw ako ," kwento nito. 

"Naiyak po ako nag isip-isip din kaso no choice talaga at wala namang pagkakitaan dito sa isla. Listahan ko yun ng sa daing, everyday ko tintingnan," dagdag pa nito.


***

Post a Comment

0 Comments