Mag-anak, binawian ng buhay matapos makuryente nang madaanan ang bumagsak na live wire

Talagang agad binawian ng buhay ang isang pamilyang nakasakay sa motorsiklo matapos silang makuryente mula sa live wire na bumagsak sa kanilang daraanan.
Photo credit:  Rahem Jamindang Bustamante

Ibinahagi ng netizen na si 
Rahem Jamindang Bustamantesa sa kanyang Facebook post ang mga larawan at isang video kung saan makikita ang nakakaawang sinapit ng mag-asawa at kanilang anak.

Nangyari ang insidente sa Prk. 5, Busaon Tagum City.

Ayon kay Rahem, habang binabaybay umano ng mag-anak ang daan ay biglang bumagsak ang kable ng kuryente. 
Photo credit:  Rahem Jamindang Bustamante
Photo credit:  Rahem Jamindang Bustamante

Sinubukan pa umanong iwasan ng ama ang kable ng kuryente ngunit nawalan na ito ng balanse kaya natumba ang kanilang motor.

Makikita sa mga larawan at video na basa at tila baha ang ilang parte ng daan kaya pagkatumba ng mag-anak ay nakuryente na sila.



Hindi makalapit at wala namang magawa ang mga residente sa lugar dahil natatakot silang makuryente dahil basa ang daan.

Panoorin ang video sa ibaba:




Post a Comment

0 Comments