Leon, Julia at Dani, may sweet bday message sa kanilang kasambahay; Mga netizens napa-react

Hindi napigilan ng mga netizens na magreact sa ginawang pagbati ng magkakapatid na sina Julia, Leon at Dani sa kaarawan ni “Manang Nenay”, ang house staff ng kanilang ina na si Marjorie Barretto.
Photo credit to the owner

Makikita sa IG post ni Leon ang litrato nila ni Manang Nenay na ayon sa kanya ay 19 na taon na ring naninilbihan sa kanila.

“Happiest birthday to our Manang Nenay. She’s been in my life for almost 19 years. Will forever be grateful for her, thank you for taking care and loving us manang 🖤”, caption ni Leon.

Sa comment section ay nagkomento naman dito sina Julia at Dani.

“Love you manang ninay!!!” komento ni Julia.

“Happy Birthday Manang!!!!! We love you!! ❤️❤️❤️” komento naman ni Dani na panganay ni Marjorie, at anak nila ng unang karelasyong si Kier Legazpi.

Sa kabilang banda, hindi maiiwasang may mga netizen na nagsabing mabuti pa raw ang house helper nila ay nagawang batiin gayong si Dennis Padilla na kanilang ama ay “nagmamakaawa” pang batiin siya at kinukuha pa ang kanilang atensiyon sa social media. 

Mababasa ito sa comment section ng isang online news site na nagbalita rin nito.

“Sana ganyan den kayo sa tatay n’yo! 😏 anyways, buhay n’yo ‘yan malalaki na rin kayo! Ako naman eh napa-comment lang.”

“Talagang pinapamukha lang nila sa tatay nila na wala siyang halaga sa kanila tsk!”

“Yes pero mag-message sila sa tatay nila hindi magawa.”



***

Post a Comment

0 Comments