Nanlulumo ngayon ang isang lalaking nag-invest ng P230,000 sa isang online app at ngayon ay hindi na niya ito ma-withraw.
Photo credit to the owner
Sa isang report ng GMA News, kinilala ang biktima na si Genlor Obdianela. Aniya, nakapag-payout naman daw siya ng 10% mula sa online investment app noong una sa halagang mahigit P20,000.
"Nakatanggap ako ng payout hanggang May. So, akala ko legit talaga ang investment," pahayag ni Obdianela.
Dahil dito ay mas lalo siyang nahikayat na mag-invest. Sa kabuuan, umabot na ng P230,000 ang naipasok niya sa investment.
Pero bigla umanong nag-close ang investment app at ilang buwan na rin umanong hindi napo-proseso ang kanyang withdrawal request.
"Pinapakiramdaman ko ang mga hearsay na hindi SEC registered... at ang SEC also warned us na hindi nga registered si Flint [ang online investment app]. Nung nagpunta ako sa office address, wala bare na bare yung sinabing office ng Flint," ayon kay Genlor, na isang IT Specialist.
Photo credit to the owner
Ngayon ay may natitira pang halos P209,000 sa digital wallet ni Genlor na hindi na niya ma-withraw at ma-contact ang nasabing online app.
Dagdag ng ulat, hindi lang si Benlor ang nabiktima ng Flint, karamihan umano mga OFW.
Nagsampa na ng rekalmo sa pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) si Genlor laban sa pamunuan ng Flint.
***
Source: GMA Network
0 Comments