Kaye Abad humagulgol sa iyak dahil maiiwan sa ‘Pinas ang anak matapos ma-deny ang visa nito

Naantig ang mga netizens sa paghagulgol ng aktres na si Kaye Abad habang nagpapaalam sa kanilang anak ni Paul Jake Castillo na si Joaquin dahil hindi ito makakasama sa kanilang bakasyon sa Amerika.

Kwento ni Kaye, na-deny ang visa ni Joaquin kaya hindi na nila ito makakasama sa kanilang U.S trip kasama ang pamilya ni Paul Jake.

“This trip was supposed to be three weeks but nung hindi makakasama si Joaquin hindi rin talaga kami sasama, cancel na kami kasi we felt bad na parang ano ba ‘yung use na sasama kami eh nakapunta naman na kami ng States, so we are really excited for him [Joaquin] but naka-book na kasi talaga before kami nag-apply ng visa for Joaquin…

“So na-deny siya, naka-book na kami ng ticket pero we decide din na mas mahal kung ire-rebook ‘yung ticket namin para i-rebook siya to another country… so we decided na sasama na lang kami ni Paul Jake pero 10 days na lang kami there,” ani Kaye habang katabi si Paul Jake sa kanilang vlog.


***

Post a Comment

0 Comments