Kabutihang ipinakita ng isang babae sa batang nagtitinda ng sampaguita, nasaksikhan ng netizen

Ang pagtulong sa ating kapwa ay hindi lamang nakapagbibigay ng magandang pakiramdam kundi minsan ay nagiging inspirasyon din ito sa ibang taong nakakasaksi o nakakakita.
Photo credit: Guila Marie

Maliit man o malaki, basta makatulong lalo na sa mga kapos palad ay tunay nga namang nakakataba ng puso. Self fulfillment ika nga.

Samantala, viral ngayon sa social media ang post ng isang netizen na nakasaksi sa kabutihan ng babaeng nakasabay niya sa loob ng fastfood chain na Mcdonalds.

Sa Facebook post ni Guila Marie, ikinuwento nito ang ginawang pagtulong ng isang babae sa batang nagtitinda ng sampaguita.
Photo credit: Guila Marie

Iba yung feeling kapag nakakawitness ka ng ganitong klaseng kindness,” paunang kwento ni Gula.

Ayon kay Guila, nakasabay niya ang isang babae pagpasok niya ng Mcdonalds. Habang nakapila sila ay may lumapit na batang nagtitinda ng sampaguita.

Bata: te pakyawin mo na tong tinda ko. 100 nalang po lahat. Sige na po,” sabi umano ng bata.

Hindi bumili ang babae ngunit binigyan niya ito ng P50.

Matapos magpasalamat ng bata ay sinabi nitong ibibili niya raw ng ice cream ang ibinigay sa kanyang pera dahil hindi pa ito nakakatikim ng sundae.

Girl: sige tara bili kita,” sabi umano ng babae.
Photo credit: Guila Marie

Dagdag pa ng netizen, pinapalabas raw ng security guard ang bata dahil bukod sa bawal magbenta doon ay wala rin itong suot na facemask.

Pero nakakahanga ang ginawa ng babae dahil “kumuha sya ng mask sa bag nya. Binuhol nya yung tali tpos sinuot dun sa bata.”

Lubhang natuwa at nasiyahan si Guila sa kanyang nasaksihan. Aniya, “Yung simpleng araw mo nag iiba kapag nakaka kita ka ng mga ganito. Nakakatuwa at nakakataba ng puso.”

Sa ngayon ay mayroon ng 7k reactions at 1.1k shares ang post ni Guila.

Narito ang kanyang buong post:

"Iba yung feeling kapag nakakawitness ka ng ganitong klaseng kindness.

Pumasok ako ng mcdo kasabay tong girl na to, ng biglang may batang nag aalok ng sampaguita sa kanya.

Nung una pinalalabas ng mga crew yung bata kasi bawal daw magbenta sa loob.

Pero ayaw nya lumabas ng hindi daw kami bumibili. 

Bata: te pakyawin mo na tong tinda ko. 100 nalang po lahat. Sige na po
Girl: eto 50 sayo nalng yan.
Bata: salamat ate gusto kong ibili to ng Ice cream. Gusto ko pong matikman yan.
Girl: sige tara bili kita.

Nung after nilang umorder, pinalalabas ulit yung bata ksi wala syang Mask.

Pero dahil sa care ni ate Girl kumuha sya ng mask sa bag nya. Binuhol nya yung tali tpos sinuot dun sa bata.
Photo credit: Guila Marie
Photo credit: Guila Marie

Yung simpleng araw mo nag iiba kapag nakaka kita ka ng mga ganito. Nakakatuwa at nakakataba ng puso 

Yung nakatulong sya dun sa bata, pero ang laki nung impact dun sa mga nakakita."


***

Post a Comment

0 Comments