John Lapus, binanatan sinabi ni Ronnie Liang tungkol sa alok na gumawa ng adult movies

Hindi napigilang mag-react ng komedyante-direktor-writer na si John Lapus sa rebelasyon ng singer-actor-pilot-army reservist-model na si Ronnie Liang patungkol sa umano’y pagkadismaya niya nang alukin siyang gumawa ng adult/sexy movies.
John Lapus and Ronnie Liang / Photo credit to the owner

Walang binanggit na pangalan si Ronnie kung sino ang nag-alok o anong kompanya ito subalit tinutulan at tinanggihan niya ang alok.

“I got pissed off and disappointed. ðŸ˜Ī I was offered and urged to do PORN movies…😎 Thanks, but NO thanks po. I did not sacrifice and study hard all these years only to show my private parts in public—Nakakahiya 🙈,” saad ni Ronnie.

“Without trying to brag, I am already an Army Reservist Officer, a pilot, a Master’s degree holder, a Brand Ambassador of some companies, and other government agencies. Madami pa po ako pwedeng gawin at pag ginawa ko yan madaming mawawala sa akin. 😞.”

“Most importantly, please understand that I am a Christian and a follower of Christ. Whatever I have achieved and everything I do is for the honor and glory of God. ☝ðŸŧI am not perfect, super rich, or super famous, but to me, fame and money are only temporary. Self-respect and the respect of my colleagues in and out of showbiz are forever more vital to me. ✌️

“Okay lang naman po kung wala akong movie or project. Sa iba nyo na lang po ibigay ang lead role na yan.😅.”

“Hanggang ganito lang po ang pwede ko ipakita.😂,” ani Ronnie.
Photo credit to the owner

So walang ‘self-respect’ ang gumagawa ng porn? ðŸĪŠ” aniya sa tweet.


Ibinahagi naman ni Sweet (John Lapus) ang isang ulat patungkol dito at kinomentuhan.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

“Gusto lang ng publicity niyan!”

“Respect his opinion na lang po… entitled naman siya kung ano ang masasabi at naramdaman niya. Siguro ang mali niya is shinare pa niya ito sa social media. Puwede naman niya kasi sabihing ‘Not for me’…”

“Ayan nagmamalinis kasi oh di nag-backfired. Huwag kasing feelingero. Just say no kung ayaw sa project at huwag na magpa-press release para mapag-usapan lang.”

“Madam John Lapus, baka he just wanted to say was ‘Hindi niya kaya mag-porn na after his hard work and achievements, para sa kaniya mawawala na ang respect niya para sa mga naabot niya’, baka ganun lang nman (Just saying) ✌️❤️.”

“Meron siyang daring movie dati by Elwood Perez! Pinagsasabi niya di niya kaya! Katawa 😂.”

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Ronnie tungkol sa kaniyang pinag-usapang pahayag.


***
Source: Balita

Post a Comment

0 Comments