Jay Sonza, binanatan at tinawag na ‘Mang Kanor’ si DSWD Sec. Erwin Tulfo

Binanatan ng dating broadcaster na si Jay Sonza si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo matapos maungkat ang “makulay nitong love life” sa naganap na hearing sa Commission on Appointments (CA) noong Nobyembre 22, kaugnay ng kaniyang posisyon.
Jay Sonza and DSWD Sec. Erwin Tulfo / Photo credit to the owner

Si Surigao del Norte 2nd District Rep. Johnny Pimentel ang umungkat sa pagkakaroon umano ni Tulfo ng sampung anak sa iba’t ibang babae.

Dinepensahan naman ni Tulfo ang sarili at sinabing maayos ang relasyon niya sa mga ina ng kaniyang anak.

Aniya, hindi raw ito nakakaapekto sa kaniyang trabaho bilang DSWD Secretary.

“When we’re young, we make mistakes, but I’m not ashamed to say I made mistakes and from that mistake, you have to make corrections and adjust and you have to bring it all the way until you grow old,” ani Tulfo.

Sa kanyang Facebook account, tinawag ni Sonza na “matulis” at “Mang Kanor” si Tulfo. 

Si Mang Kanor ay ang matandang lalaki na sumikat noon dahil sa pagkalat ng kanyang s3x scandal noong 2018.

Makulay pala ang mundo ni Sek Erwin. Sundalong Kano. Convicted. Matulis. Mang Kanor din. Maraming panganay. Wala ng hahanapin pa,” aniya.


Ipinagtanggol naman ng mga netizen si Tulfo, batay sa comment section.

“Ang trabaho ang pagtuunang mabuti, mas mainam pa ‘yan kaysa sa iba na wala namang mabuting nagawa, pabayaan mo na wag mo nang pansinin ang importante nagtrabaho kang matino, kaya mo ‘yan.”

“Namemersonal na po kayo?! At least po nagtatrabaho sila nang maayos at maraming mahihirap ang natutulungan, eh kayo po meron na bang mga mahihirap na natulungan at naipagtanggol, at wag po kayong magtaka kasi may hitsura po sila kaysa sa inyo kaya maraming panganay.”

“Trabaho lang walang personalan. Ang tao may kaniya-kaniyang baho. Wag maglinis-linisan. Walang perpekto sa mundo.”

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Tulfo tungkol sa viral Facebook post ni Sonza.


***
Source: Balita

Post a Comment

0 Comments