Heart Evangelista, hindi pinansin sina Vicki Belo at Alex Gonzaga sa Milan Fashion Week

Binuko nina Dra. Vicki Belo at Alex Gonzaga ang Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista sa kanilang latest YouTube vlog collab.
Heart Evangelista, Alex Gonzaga and Dra. Vicki Belo / Photo credit to the owner

Napag-usapan nina Belo at Gonzaga ang ilan sa mga pangyayari at kaganapan noong umattend sila sa Mila Fashion Week kamakailan.

Sa kanilang kwentuhan ay natanong ni Belo si Gonzaga kung ano ang feeling nang magkasama silang rumampa sa Milan Fashion Week na talagang inaabangan ng mga fashionista na “alta”.

Sagot ni Gonzaga, feeling honored siya nang imbitahan siya ni Belo na samahan siya sa Milan hindi lamang para rumampa sa naturang fashion event kundi makalibot din sa mga tourist destinations doon.

Sa isang bahagi ng vlog biglang nabanggit ni Gonzaga ang pangalan ni Heart nang mapag-usapan nila ang mga celebrities na gumagawa ng pangalan sa larangan ng fashion sa iba’t ibang bansa.

Kasunod nito, naalala ni Belo ang “pangdededma” o pang-iisnab raw sa kanila ni Heart nang magkasama-sama sila sa Milan fashion show.

“Pero hindi tayo pinansin ni Heart (sa fashion event). Hoy Heart!” ang natatawang ng Dra.

“Oy ano ‘to mars? Sa Manila magkakaibigan tayo. Mars, nanood ako ng ‘Luna Mystika,’ mars. Nanood ako ng Hiram!”, hirit naman ni Gonzaga.

Ang tinutukoy ni Gonzaga ay ang mga teleserye noon ni Heart sa ABS-CBN.

“Mars, we’re on the same fashion show hindi ka man lang nag-‘hi.’ ‘Di ba nandoon kami sa Gucci, front row din tayo ‘di ba (Alex)?” ang birong panunumbat Belo.


***
Source: Inquirer

Post a Comment

0 Comments