Former Sen. Kiko Pangilinan, ikinumpara ang presyo ng sibuyas sa Pilipinas sa Australia

Noong nakaraang linggo ay nanggaling si dating senador Francis “Kiko” Pangilinan sa Australia at hindi niya maiwasang maikumpara ang presyo ng sibuyas sa mga pamilihan doon  at dito sa Pilipinas.
Photo credit to the owner

Sa kanyang video, sinabi ni Pangilinan na ang kada kilo ng pulang sibuyas sa Pilipinas ay P250 habang umaabot lamang sa P112 ang kada kilo sa Australia.

Maging ang puting sibuyas na nasa P75 per kilo lamang sa Australia ay P200+ naman dito sa Pinas.

Ani Pangilinan, isa lamang daw ang solusyon upang patuloy na maging mura ang mga bilihin sa ating basa.

“The solution is to support our producers, our farmers and fisherfolks,” ani Pangilinan.

“Kaya kung nais natin magkaroon ng murang pagkain, murang karne, murang gulay bigyan ng todo na suporta sa ating mga farmers at fisherfolk,” dagdag pa niya.

Samantala, isang netizen naman ang nagbigay ng kanyang opinyon patungkol sa matataas na presyo ng gulay sa ating bansa.

Ayon kay MJ Quiambao Reyes, ang nagpapataas umano ng mga bilihin sa merkado ay ang mga middleman na binibili ang mga gulay sa murang presyo pagkatapos ay ibebenta ng napakamahal.

“Ang camote na nga lang, ₱6-25/kg ang bili sa mga farmers pero pagdating sa supermarket ₱100-150/kg.” sabi ni MJ Quiambao Reyes.

Hindi naman napigilan ni Reyes ang mapatanong kung may nagawa ba si Pangilinan para pigilan ang mga nasabing middlemen.

“Ang tanong: Sa 30+ yrs nyo po sa gobyerno, wala pa rin ba’ng sapat na batas at programa para suportahan ang mga farmers, kontrolin ang greed ng mga middle men, at protektahan ang mga consumers?” ani Reyes.


***

Post a Comment

0 Comments