Dating Eat Bulaga dancer, nag-apply sa Wowowin para sa P70k

Viral ngayon ang paghahanap ng choreographer Anna Feliciano ng mga dancers na makakasama ni Willie Revillame sa ‘Wowowin’.


Sa Facebook post ni Feliciano, sinabi niya na naghahanap pa sila ng tatlong dancer para sa kanilang show.

Ang sweldo? Tumataginting na P70,000 kada buwan!

I need 3 more dancers for Wowowin. Send me your dance samples if interested,” ayon sa post ni Feliciano.

Stay-in/out @ Wil Tower. Mondays to Saturdays 7-8:30pm. 70k monthly,” saad pa.

Isa sa mga nag-apply ay dating miyembro ng EB Babes, ang dance group ng ‘Eat Bulaga’.

In-upload ni Feliciano ang message sa kanya ng nasabing dancer.
Screencap from Anna Feliciano Facebook account 

From Eat Bulaga to Wowowin? A small world, indeed! Nakakatuwa,” wika ng Wowowin choreographer.


***

Post a Comment

0 Comments