Cristy Fermin prangkang sinabing “Hilaw pa ang ALL TV”

Nagbigay ng kanyang opinyon ang beteranang entertainment columnist na si Cristy Fermin patungkol sa nangyayari sa loob ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS), ang may-ari ng All TV network.
Cristy Fermin at Willie Revillame / Photo credit to the owner

Sa isang episode ng “Showbiz Now Na!,” ibinahagi ni Nanay Cristy ang dahilan ng biglang pagkawala on air ng ‘Wowowin.’

“Alam mo hindi rin kami nagkakausap. Matagal na panahon na kaming hindi nagkakausap. Siguro sobrang busy niya para AMBS, sa ALL TV. Pero ako din. Nagtatanong din sa sarili ko ano na kaya ang nangyayari sa kanya sa AMBS.” saad ni Nanay Cristy.

“Dati dati binigay sa kanya kasi ung karapatan na iere yan, tapos bigla atang inalis sa kanya kaya ngayon hindi sya napapanood. Pero hindi pwedeng hindi bigyan ng AMBS ng programa ang isang Willie Revilame, alam naman nating sya ang taga-kaway ng mga manonood,” dagdag ni Nanay Cristy.

“Magpakatotoo tayo, hilaw pa ang ALL TV. Sana inuna ung production people. Yung bubuo at magbabalangkas ng mga palabas,” dagdag niya.


***

Post a Comment

0 Comments