Carmina Villarroel napikon sa artistang sumampal sa kanya ng napakalakas

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalimutan ng Kapuso actress at TV Host na si Carmina Villarroel ang isang artistang sumampal sa kanya ng napakalakas sa isang proyektong ginawa niya ilang taon na ang nakakalipas.
Carmina Villarroel / Photo credit to the owner

Sa latest episode ng podcast na, “Wala Pa Kaming Title” kasama sina Candy Pangilinan, Gelli at Janice de Belen, inamin ni Carmina na nagalit at napikon siya nang mangyari ang insidenteng yun dahil iyon ang pinakamasakit na sampal na naranasan niya sa ilang dekada niya sa showbiz.

Kwento niya, talagang nawindang siya sa nasabing eksena dahil hanggang ngayon ay parang ramdam na ramdam pa rin niya ang sakit sa kanyang mukha.

“May buwelo, ‘yung talagang galing dito sa baba paganoon sa akin. Nawala ako sa frame at nahulog ako sa sofa. Buti na lang may sofa kasi kung walang sofa nahulog ako sa floor.”

Hindi naman binanggit ni Carmina ang pangalan ng artista sa kanyang rebelasyon pero inaming ibinahagi niya ang naramdaman niya nu’ng mga sandaling yun.

Napikon ako, kasi ang sakit, ang sakit. Imadyinin mo may buwelo,” sey ni Carmina.

Buti na lang daw ay meron pa rin siyang presence of mind habang kinukunan ang nasabing sampalan scene at itinuloy pa rin ang eksena para hindi na sila ma-take 2 o take 3 dahil baka hindi na siya makapagpigil.

Nahulog ako sa silya. Buti may presence of mind ako na tumayo ako kasi baka ma-take two e ayoko kasi ang sakit,” dagdag pa ng aktres.


***

Post a Comment

0 Comments