Carla Abellana sa isang interview: "Siguro parang time na, time na magsalita"

“There’s a time to be silent and a time to finally speak up… Eto na ‘yun time ng pagsasalita ni Ms. Carla Abellana sa #LuisListens. Emosyonal ang tell-all interview na ‘to, kahit ako parang kinurot yun puso ko that time. Thank you for trusting me and #LuckyTV, @Carla Abellana.”
Carla Abellano / Photo credit to the owner

Ito ang caption ng host na si Luis Manzano sa kanyang bagong Youtube vlog kung saan ay naging guest niya ang aktres na si Carla Abellana.

Matatandaang naging headlines sa mga balita ang hiwalayan nina Carla at Tom Rodriquez.

Sa interview, diretsahang tinanong ni Luis si Carla kung naniniwala pa ba ito sa ‘love.’

“Honestly, ang love, ang dami naman definition ng love but, yes, of course. Kung walang love, wala tayong buhay,” sagot ng aktres.

“There’s family love, the love of my dogs, the love of your friends, correct, barkada… Love, definitely, oo naman. Love is all around, it definitely exists.”

Tinanong din ni Luis ang aktres kung ano ang aral na kanyang natutunan.

“Ang pinakaimportante? Siguro itong this past year talaga ha na we will really never know kung ano mangyayari,” Carla said. “We may make plans or we see everything na nandito tayo sa mundo, tayo nagpaplano, nag-asikaso, lahat. But sometimes life just hits you na hindi mo talaga alam what will happen tomorrow.”

“Yun bang what you have is just today. No matter how everything is organized or laid out, there are times talaga na unpredictable ang buhay, I guess,” dagdag ni Carla.

Kung mayroon man daw napagtanto si Carla sa kanyang mga pinagdaanan, yun ay ang mga pagkakataon na wala kang ibang aasahang tutulong sa iyo kundi ang sarili mo lamang.

I’m not saying naman na lahat tayo we’re alone or anything, but yun bang there are times when you can only depend on yourself, or yung sarili mo yung kailangang tutulong din sa sarili mo,” saad ng aktres.

Panoorin ang video sa ibaba:


***

Post a Comment

0 Comments