Buffet resto, nainis sa mga customer na nag-iwan ng sandamakmak na pagkain

Naglabas ng pagkadismaya ang isang buffet restaurant sa Angeles City, Pampanga matapos mag-iwan ng sandamakmak na pagkain ang kanilang mga customer.

Makikita sa larawan ang mga tirang pagkain na talagang masasayang na lamang dahil sa takaw matang mga customer.

Ayon sa post, marami ang nagugutom sa mundo habang ang iba ay nagsasayang ng pagkain.

“Bumalik po kayo para bayaran yung left over po ninyo. Marami ang nagugutom. Magkano lang po ang kita namin, hangad po namin na mabusog ang bawat isa pero sana naman po kahit konting disiplina man lang,” anang Bariotik Eat All You Can Balibago Angeles City Pampanga Branch sa viral post. 


***

Post a Comment

0 Comments