Baog issue sa hiwalayan nina Angel Locsin at Neil Arce, pinabulaanan ni Cristy Fermin

Nagbigay ng reaksyon ang Entertainment columnist na si Cristy Fermin kasama ang kanyang mga co-host na sina Morly Alinio at Romel Chika patungkol sa mga isyung lumalabas kaugnay ng mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce.
Angel Locsin and Neil Arce / Photo credit to the owner

Sa Youtube program ni Fermin na ‘Showbiz Now Na!’, pinag-usapan nila sina Angel at Neil matapos mapansin ng mga netizens na tila wala ng update ang mag-asawa sa social media.

Ayon kay Romel, marami raw ang naghahanap kay Angel lalo na’t maraming bagyo na ang dumaan sa bansa.

Lalo pa nung nagka sunud-sunod ang mga bagyo. Siyempre alam naman natin, na ang unang unang dumadalo sa ganitong kalamidad si Angel Locsin… hinahanap siya, ilang bagyo na ang nakakaraan, apat, lima, wala siya.” sabi ni Cristy.

“Ito yung mga sapantaha ng marami, una nagdadalang tao na at gusto niya tayong surpresahin. Ikalawa, pag nakita natin si Angel ay payat na payat na siya… Ito ang hindi maganda, baka daw nagkaruon na ng problema sakanilang relasyon ni Neil Arce. Nakakalungkot ano, pero ako malakas ang duda ko na wala duon. Together parin sila, sila parin. Kaya lang mas gusto siguro nilang tahimik muna.” dagdag niya.

Napag-usapan rin nila ang kumakalat na balitang kaya raw naghiwalay ang dalawa ay dahil hindi raw nabubuntis si Angel.

“Kung ako naman si Neil, duon ba magsisimula at mag wawakas ang pagmamahal ko kay Angel? Yun lang ba ang dahilan kung bakit ko minahal si Angel?” saad ni Cristy.

“Pero parang malayo yun. Kasi napaka bata pa ni Angel para mahusgahan agad ng ganun.” dagdag naman ni Morly.

“Hindi, ang pagiging baog, diretsuhin na natin, ang pagiging baog ay walang edad na pinag uusapan.” sagot ni Cristy.

At tsaka hindi kaya sa kalakihan niya diba kasi mahihirapan kasi diba nay, kailangan pag mag dadalang tao ang babae dapat magpapayat muna. Kasi mahihirapan siya mag buntis.” sabi naman ni Romel.

“Ang akin naman, hindi naman siguro ang be all and end all…” sabi ni Cristy.


***

Post a Comment

0 Comments