Badjao, kumikita ng mahigit P500 araw-araw sa pamamagitan ng "kalabit penge"

Viral ngayon sa social media ang ibinahaging pag-uusap ng isang may-ari ng tindahan mula sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, at isang Badjao na nakatambay sa kaniyang tindahan.
Photo credit to the owner

Kwento ni may-ari ng tindahan, madalas umano niyang makita ang Badjao na pagala-gala sa lansangan. Sumasampa umano ito sa mga jeep at nanghihingi ng limos.

Aniya, nagbakasali siyang magpabarya sa Badjao sa halagang P500 dahil alam niyang puro barya ang ibinibigay sa kanya ng mga pasahero.

“Ate madami ka na ba barya? At buuin ko,” tanong ng may-ari ng tindahan.
“Oo, piso at lima,” sagot daw ng Badjao.
“Ate, ilang oras ito?”
“Alas sais nagsimula (umaga).”
Photo credit to the owner

Laking gulat ng may-ari ng tindahan dahil hindi niya akalaing ganun na kalaki ang pera ng Badjao dahil lamang sa pangangalabit at panlilimos.

“Ilang oras lang ‘yun sa bawat customer ko na nilalapitan niya. Meron magbigay, meron din naman hindi. Yung magugulat ka na lang mas malaki pa kinikita niya sa 8 hours na nagtatrabaho,” saad na lamang ng may-ari ng tindahan.

Matatandaan noon sa isang panayam ng sumikat na “Badjao Girl” at dating Pinoy Big Brother housemate na si Rita Gaviola na naging tradisyon na nila ang pagbaba sa kalunsuran at pamamalimos.

Sa katunayan, ito ang naging ugat kung bakit siya nakilala matapos makuhanan ng litrato ng isang photographer.


***

Post a Comment

0 Comments