Alamin: Mga pagkaing pampasaya

May mga pagkaing nagpapasaya sa atin. Ang tawag ng mga eksperto rito ay “mood lifting foods.” Kaya kapag kayo’y nalulungkot sa buhay, subukan ang mga “happy foods.”
Photo credit to the owner

1. Kanin, Wheat Bread at Spaghetti – Ang mga carbohydrates tulad ng kanin, pansit at spaghetti ay nagpapasaya sa ating mood. Ang carbohydrates ay nagpapataas ng ating serotonin levels, na nagpapakalma ng ating emosyon. Hindi ba parang kalmado ka kapag nakakain ka ng isang platong mainit na kanin?

Mas mainam na piliin yung mga healthy na carbohydrates tulad ng wheat bread, brown rice at mga gulay din. Huwag maniwala sa high-protein diet tulad ng Atkin’s at Southbeach diet dahil ito’y magpapalungkot lang sa inyo. Kaibigan, ingatan lang ang dami ng ating kinakain para hindi tumaba.

2. Gatas –Ang gatas ay may mga bitamina at amino acids para gumanda ang ating mood. Ito ay nagpapadami ng serotonin sa ating katawan. Ang serotonin ay parang anti-depressant tulad ng Prozac. At para hindi tumaba, uminom ng skim milk na mababa sa calories. Masustansya na, pampasaya pa!

3. Matatabang isda tulad ng mackerel, tuna at sardines – Ang mga “oily fish” tulad ng mga nabanggit ay mataas sa Omega-3 fish oil. Ang Omega 3 ay mabuti sa ating puso, pampababa pa ng kolesterol at makatutulong din na pasayahin tayo. Pinapataas kasi ng Omega 3 ang serotonin levels ng ating utak. At kapag maraming serotonin, mas masaya tayo.

4. Chocolate – Naku, nakakataba yata iyan? Oo nga, aaminin kong nakakataba ang chocolate pero marami naman itong kemikal na nagpapasaya sa ating mood. Sabi ng mga experto, ang pagkain ng chocolate ay nagpapataas ng lebel ng endorphins sa ating katawan. Ang endorphins ay mga natural na hormones na nagpapasaya sa atin.

5. Kahit anong pagkaing masarap – Basta masarap ang kinakain, hindi ba sumasaya ka na? Kaya lang, karamihan ng masarap na pagkain ay nakakataba at baka tumaas pa ang ating kolesterol tulad ng chicharon at lechon. Para sa akin, masarap ang gulay tulad ng ampalaya at upo. Masaya ako diyan.
Ang payo ko ay hinay-hinay lang sa pagkain ng inyong mga paborito. Sanayin ang panlasa natin na kumain ng masarap na at healthy pa. Ang gulay, prutas at isda ay sadyang mabuti sa inyong kalusugan. 


***
Source: Facebook

Post a Comment

0 Comments