Ang edukasyon ay itinuturing na isang karapatan ng bawat mamamayan. Ngunit ang nakakalungkot dito hindi lahat ng mga kabataan ay nakakapag-aral dahil sa hirap ng buhay.
Lola Salvacion Nacario / Photo from GMA News Online
Pero para kay lola Sally, hanggat siya ay nabubuhay hindi siya susuko na makamit ang kanyang pangarap.
Lola Salvacion Nacario / Photo from GMA News Online |
Si lola Sally ay kasalukuyang pinakamatandang magaaral sa Fort Bonifacio High School sa Makati, sa edad na 80 taong gulang siya ay nasa Grade 11 na.
Lola Salvacion Nacario / Photo from GMA News Online |
Kahit na kung minsan daw ay may mga hindi siya nararamdamang maganda sa kanyang katawan, pero hindi din ito ang naging balakit para hindi siya makapasok sa eskwelahan.
At sa kanyang pag-pasok inaalalayan siya ng kanyang apo na si Rose.
Lola Salvacion Nacario / Photo from GMA News Online
|
Ayon kay lola Sally noong siya ay bata pa pangarap niya ang maging isang military nurse, ngunit kinailangan niyang huminto sa pag-aaral kaya naman ang kanyang natapos ay hanggang 3rd year highschool lamang.
Lola Salvacion Nacario / Photo from GMA News Online |
Matapos ang mahigit na anim na dekada, muli siyang bumalik sa eskwelahan at magpapatuloy daw siya hangang kolehiyo kahit pa daw na tumututol ang kanyang anim na mga anak.
Ang kwento ni lola Sally ay umabot na sa 28,600 shares at madami din ang na inspire na mga netizen sa kanya.
***
0 Comments